Sec. Acuzar, nagandahan sa ideya ni Cong. Abet

Philippine Standard Time:

Sec. Acuzar, nagandahan sa ideya ni Cong. Abet

Isa umano sa magagandang ideya na nakuha ni Sec. Jerry Acuzar at iba pang matataas na opisyal ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) sa kanilang nakaraang pulong kasama ang mga opisyal ng Bataan ay ang ideya ni Cong Abet Garcia hinggil sa “estate management”.

Ayon kay Mariveles Mayor AJ Concepcion na kasama sa nasabing pagpupulong, tila na-impress si Sec. Acuzar sa paliwanag ni Cong. Abet hinggil sa estate management, na sinimulan na sa housing projet sa mga nasunugan sa bayan ng Orion. Hindi mo lamang ililipat sa isang magandang housing project ang mga informal settlers, kundi dapat ay turuan din sila kasama ang LGU, kung papaano nila mapananatili ang kaayusan, kalinisan, pagkakaroon ng kabuhayan at pag unlad tungo sa isang kumpletong pamayanan.

Dagdag pa umano sa paliwanag ni Cong Abet sa housing projet sa Orion, ginawan nila ito ng magandang daan para sa nag aaral na mga kabataan at unti- unti sa tulong ng LGU at Pamahalaang Lalawigan ay magkakaroon ito ng mga pasilidad na health center, police station, livelihood center, maging palaruan, paaralan at iba pa, upang lalong maganyak ang mga tao na pangalagaan ang kanilang komunidad.

Dahil dito, ay nasabi umano ni Sec. Acuzar na kaya pala yong mga naunang housing projects ay maganda sa simula pero habang tumatagal ay bumabalik ito sa itsurang iskwater dahil hindi naipaliwanag sa kanila ang kahalagahan ng estate management, na mismong sila ang kabilang sa magpapa-unlad nito.

Ayon kay Sec. Acuzar ay pag aaralan ng DHSUD ang nasabing ideya at kung papaano ito maisasama sa mga susunod na housing projects ng DHSUD.

The post Sec. Acuzar, nagandahan sa ideya ni Cong. Abet appeared first on 1Bataan.

Previous Abucay plans to beautify plaza, rehab falls

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.