Sa pagkakaimbita kay G. Benito Versoza, Jr. sa programang “Musta na Mariveles” kanyang inihayag ang kasalukuyang kalagayan ng daloy ng trapiko at seguridad sa bayan ng Mariveles.
Kanyang nabanggit ang ilan sa mga problemang kanilang dinatnan at kanya ring inihayag ang patuloy na pag-aaral sa daloy ng trapiko at seguridad ng naturang bayan sa pakikipagtulungan na rin kay Public Safety Office head, Mr. Jaypee Jalos.
Catipon at Idol Harry Golocan na kanilang tututukan ang mga sangay ng pamahalaan na tumututok sa seguridad at daloy ng trapiko at muling kakapanayamin si G. Versoza sa mga susunod na linggo para naman sa progreso ng mga ito.
Panawagan rin ni G. Versoza, ang kooperasyon ng taong bayan nang sa gayon ay mabilis na maresolba ang mga problema patungkol sa seguridad at daloy ng trapiko sa bayan ng Mariveles.
The post Seguridad at daloy ng trapiko sa Mariveles, pinag-aaralan upang mas mapaganda appeared first on 1Bataan.