Selebrasyon ng pasasalamat para kay Obispo Ruperto Santos

Philippine Standard Time:

Selebrasyon ng pasasalamat para kay Obispo Ruperto Santos

Ngayon lamang sa kasaysayan ng simbahan at Pamahalaang Lalawigan na ang isang Obispo sa katauhan ni Bishop Ruperto, na naglingkod ng matapat sa loob ng 13 taon bilang Obispo ng Balanga, ang binigyan ng kakaibang tribute at pasasalamat na sa ilalim ng temang , ” Life, Faith and Love” isang pasasalamat ang inihandog kay Obispo Ruperto Santos sa kanyang paglisan sa Bataan at paglipat sa simbahan ng Antipolo, Rizal matapos ang 13 taong matapat na paglilingkod bilang Obispo ng Balanga.

Sa pamumuno nina Gov. Joet Garcia, Vice Gov Cris Garcia at buong Sang. Panlalawigan, Cong. Abet Garcia, Cong’woman Gila Garcia, Pusong Pinoy Partylist Rep. Jett Nisay, mga punong-bayan, at komunidad mula sa iba’t ibang parokya, nagkakaisang nagdiwang at nagpahayag ng pasasalamat kay Bishop Stude Santos ang mga Bataeño.

Ayon kay Gov. Joet Garcia, saksi ang lahat ng Bataeño sa matibay na determinasyon ni Bishop Santos, sa patuloy na tagumpay na pagkamit ng kanyang adhikain at adbokasiya para sa ikabubuti ng lahat.

Sinabi naman ni Cong Abet Garcia na tunay na isang inspirasyon sa puso ng bawat Bataeño ang matapat na pagkalinga at liwanag ng pag-asa ang ibinibigay ni Bishop Santos. Gayundin ang pasasalamat nina Cong’woman Gila Garcia, Rep. Jette Nisay, Vice Gov Cris Garcia, mga miembro ng parokya at mga kaparian.

Sa kanyang pasasalamat at pagpapaalam, sinabi ni Bishop Stude na tatlong bagay ang laman ng kanyang puso sa paglipat niya sa kanyang bagong assignment. Una, ang pasasalamat sa lahat ng kabutihan (mula sa lahat ng Bataeños), Papuri at pagluwalhati sa Diyos; pangalawa, paghingi ng pang-unawa at paumanhin kung mayroon man siyang nasaktan, na ang intensyon niya ay hindi upang makasakit kundi makatulong at maging pastol ng lahat at panghuli, humiling siya ng dasal, na lagi siyang maalala sa altar ng ating Panginoon at intercession sa mahal ng Birheng Maria para matulad siya dito na mapayapa, mabuti at puno ng grasya.

Hinandugan din si Bishop Santos ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Gov Cris Garcia ng isang Resolution of Commendation ( Res. no. 231 s. 2023) na nagsasaad ng buong pusong pasasalamat para sa matapat, may dedikasyon at hindi matatawarang pagseserbisyo sa loob ng 13 taon bilang Obispo ng Balanga, Bataan

The post Selebrasyon ng pasasalamat para kay Obispo Ruperto Santos appeared first on 1Bataan.

Previous Balanga City and Zhengzhou City sign MOU

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.