Sila pa lang marahil sa buong Bataan ang mga senior citizens na tumanggap ng tig limang libong piso. Ang pamamahagi ng nasabing halaga ay pinangunahan ni Mayor Tong Santos ng bayan ng Dinalupihan na ginanap sa kanilang civic center nitong nakaraang linggo.
Ayon kay Mayor Santos, 750 ang benepisaryo ng nasabing 5k na onetime cash incentive bilang pasasalamat sa kanilang ambag sa tinatamasang kaunlaran ng kanilang bayan.
Nagpasalamat din Si Mayor Tong Santos sa kanyang mga kasama sa Sangguiang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Fer Manalili, na nagpasa ng resolusyon upang bigyan din ng ayuda ang mga matatanda na may edad na 75-79. Noong nakaraang mga taon ay ang mga may edad 80-85 ang nabigyan na rin nila ng katulad na ayuda.
Si Ms. Cristina Banal, MSWDO, at iba pang mga opisyal ng sektor ng senior citizens ang tumulong upang maisakatuparan ang nasabing proyekto.
The post Senior citizens na edad 75-79 tumanggap ng 5k appeared first on 1Bataan.