Serbisyong teknikal at payo mula sa DOLE

Philippine Standard Time:

Serbisyong teknikal at payo mula sa DOLE

Nasa humigit-kumulang sa 974 na maliliit na establisimyento sa Central Luzon ang nakatanggap ng mga serbisyong teknikal at payo mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Kabilang sa mga ito ay 242 na kumpanya sa Bulacan, 185 sa Pampanga, 175 sa Bataan, 172 sa Zambales, 110 sa Nueva Ecija, 46 sa Aurora, at 44 sa Tarlac.

Binigyang-diin ni DOLE Regional Director Geraldine Panlilio na ang aktibidad na ito ay bahagi ng kanilang bagong balangkas sa inspeksyon na nakasandig sa layunin ng pamahalaan na tiyakin ang pagsunod sa mga patakaran sa paggawa kasama na ang kaligtasan at kalusugan sa trabaho.

“Maagang nagsimula ang aming koponan sa pag-inspeksyon dahil layon naming maabot ang mahigit sa 16,000 na maliliit na establisyemento sa rehiyon ngayong taon,” sabi niya.

Idinagdag pa niya na ang ahensya ay nakapag-ugnay sa mga maliliit na kumpanya sa lahat ng lalawigan sa rehiyon. Upang matupad ang pangrehiyong target, malapit na nakipag-ugnayan ang lahat ng mga labor inspector (LI) at assistant labor inspector (ALI) sa mga lokal na pamahalaang yunit.

Nakapagpatupad rin sila ng mga prelimenaryong aktibidad sa pagpapatakbo sa kanilang saklaw na lugar bago ang aktwal na teknikal at payo na pagdalaw.

Matapos ang bawat sesyon ng teknikal at payo, tinulungan ng mga LI at ALI ang lahat ng maliliit na establisyemento sa kanilang plano ng aksyon na magiging gabay sa pagtaas ng produksyon at pagtupad sa mga pamantayan sa paggawa. Susubaybayan at susuriin ng DOLE ang mga plano ng aksyon sa katapusan ng tatlong-buwang panahon.

The post Serbisyong teknikal at payo mula sa DOLE appeared first on 1Bataan.

Previous SM launches first electronic vehicle charging station in Bataan

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.