Isa ang bayan ng Pilar sa mga naunang namamahagi ng Pamaskong Handog mula sa Pamahalaang Panlalawigan na masayang tinanggap ng mga residente.
Ipinaliwanag ni Mayor Charlie Pizarro na layunin ng Pamaskong Handog na magkaroon ng pagsasaluhan o noche buena bawat pamilyang Bataeño sa bawat barangay, sa bawat bayan.
At para maging maayos ang sistema ng pamamahagi ay may stub ang sinumang tatanggap at kung wala siya, maaring isa sa miyembro ng pamilya ang tumanggap basta mayroong valid ID
Malaking pasasalamat ang ipinaabot ng mga mamamayan kina Gov. Joet Garcia, Cong Abet Garcia at Mayor Charlie Pizarro sa Pamaskong Handog na natanggap nila.
The post Sinimulan na ang pamamahagi ng Pamaskong Handog appeared first on 1Bataan.