Sisterhood agreement ng Hermosa at Mandaluyong City, nilagdaan

Philippine Standard Time:

Sisterhood agreement ng Hermosa at Mandaluyong City, nilagdaan

Nilagdaan nitong Lunes, Marso 7, ang makasaysayang Sisterhood Agreement sa pagitan ng Lungsod ng Mandaluyong at ng Munisipalidad ng Hermosa kasama ang Punong Bayan ng Mandaluyong na si Hon. Mayor Carmelita “Menchie” Abalos at Hermosa Mayor Hon. Antonio Joseph “Jopet” Inton.

Ayon kay Mayor Inton, layunin ng kasunduang ito ang mapagtibay ang ugnayan at kapatiran ng Hermosa at Mandaluyong City para sa pagsulong ng mutual support and cooperation pagdating sa ekonomiya, turismo, agrikultura, kalusugan at iba pang larangan. Paiigtingin din ng ugnayang ito ang best practices ng bawat LGU upang mas mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo sa parehong nasasakupan.

Kasama sa mahalagang araw na ito si Mandaluyong City Vice Mayor Anthony Suva, at iba pang mga opisyal ng Mandaluyong LGU, ang ating mga miyembro ng Sanggunian na sina Konsehala Luz Jorge Samaniego, Konsehal Sonjie Valencia, Konsehal Floyd Tungol, Konsehal Reggie Santos, Konsehala Jenna Basi, Konsehal Lou Narciso, ABC Roberto Rosel, Sangguniang Kabataan Federation of Hermosa President Bea Lim, Ka. Bonifacio Florentino, at ang mga department heads ng LGU-Hermosa.

The post Sisterhood agreement ng Hermosa at Mandaluyong City, nilagdaan appeared first on 1Bataan.

Previous FAB recovers as COVID-19 cases drop

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.