Sa aspeto kung bakit tila nahuhuli ng may lima hanggang anim na taon ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas, ipinaliwanag ni Pusong Pinoy Partylist Jett Nisay sa kanilang ika-4 na talakayan sa kongreso, ito ay maaari umanong dahil sa gutom at nutrisyon ng mga bata, kalidad ng mga guro, suporta ng guro sa estudyante, bullying sa mga mag aaral gayundin sa kakulangan ng partisipasyon ng mga magulang dahil na rin sa kahirapan.
Sa naganap na pulong hinggil sa “What Ails Philippine Basic Education: digging into the PISA 2022 Results, kasama ang Congressional Policy and Budget Research Department., Ateneo de Manila University, DEPed, at House Committee on Basic Education and Culture, at Higher and Technical Education, ay talagang nagkaroon ng aktibong deliberasyon sa kasalukuyang sitwasyon ng edukasyon sa bansa.
Sa kinakaharap na hamon sa edukasyon sa bansa, naniniwala si Cong Jett na maiaangat pa natin ang suliranin sa edukasyon sa pagtutulungan at paggawa ng mga polisiya para mapaunlad pa ito.
The post Sitwasyon ng edukasyon sa bansa appeared first on 1Bataan.