Matapos ang inagurasyon at pagbabasbas ng Solar Water System ng Brgy. Alasasin, isinagawa naman ang payout ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa Mariveles National High School sa nasabing barangay.
Kasama ni Cong.Gila Garcia sina Mayor AJ Concepcion, Vice Mayor and OIC Mayor Lito Rubia, mga Sang. Bayan members at BM Angel Sunga, tumanggap ang mga magulang ng mga Special Needs Education (SNED) learners ng tig-sampung libong piso (P10,000.) Ayon kay Cong Gila ang nasabing tulong pinansyal ay pandagdag sa mga gastusin sa pag-aalaga, paglingap, gayundin sa therapy ng ating mga batang may special needs at maging sa pag aaral ng mga ito.
The post SNED learners tumanggap ng ayuda appeared first on 1Bataan.