Social pension ng mga senior citizens ng Hermosa, naipamahagi na!

Philippine Standard Time:

Social pension ng mga senior citizens ng Hermosa, naipamahagi na!

Labis ang tuwa ng mga lolo at lola sa bayan ng Hermosa, dahil maagang naipamahagi ni Hermosa Mayor Jopet Inton ang kumpletong social pension sa lahat ng mga senior citizens para sa 3rd quarter ng kasalukuyang taong 2022.

Ayon kay Mayor Inton, 889 ang kabuuang bilang ng mga senior citizens na tumanggap na ng biyaya mula sa gobyerno na nagdulot sa kanila ng kagalakan.

Ayon sa mga nakasubaybay na Hermoseño, base sa mga programa ng Lipad Hermosa ng LGU ay sadyang nalipad na ng Bayan ng Hermosa mula sa liderato ng isang magaling na piloto ang tayog ng kanilang pangarap.

Ito ay hindi lamang sa maunlad na programang pang-inprastraktura , hanapbuhay at ekonomiya, kundi maging ng serbisyong panlipunan na handog sa lahat ng sektor ng lipunan.

Hindi nakaligtaan ang mga lolo at lola na siyang huling nabahaginan ng ayudang pinansiyal sa tulong ng Department of Social Welfare and Development at ng Sangguniang Bayan ng Hermosa.

The post Social pension ng mga senior citizens ng Hermosa, naipamahagi na! appeared first on 1Bataan.

Previous Domestic at foreign investors, patuloy ang pagdagsa sa Bataan

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.