Sa isang simpleng pagbabasbas at inagurasyon noong ika-15 ng Enero, ay matagumpay na nai turn-over ang bagong multi-purpose building ng Brgy. Sta Rosa sa bayan ng Pilar sa pangunguna ni Punong Barangay Rodante Labrador at mga kagawad na dinaluhan nina Gov. Joet Garcia, Mayor Charlie Pizarro, Vice Mayor Ces Garcia, mga kaanib ng Sangguniang Bayan.
Ayon kina Gov. Joet Garcia at Mayor Charlie Pizarro, ang nasabing multi-purpose building ang magsisilbing lugar para sa iba’t ibang aktibidad ng barangay at mga residente, pundasyon para sa maayos at tapat na paglilingkod ng mga opisyal ng barangay at pagbuo ng magandang relasyon sa kanilang nasasakupan.
Gayun na lamang ang pasasalamat ni Punong Barangay Rodante Labrador at mga kasama kina Gov. Joet Garcia at Mayor Charlie Pizarro sa suportang ibinigay na isang patunay ng pagkakaisa ng Pamahalaang Panlalawigan at mga lokal na opisyal sa pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang Bataeño.
Ang pagbabasbas ay pinangunahan ni Fr. Felizardo Sevilla, kura paroko sa bayan ng Pilar.
The post Sta. Rosa multi-purpose building, pinasinayaan appeared first on 1Bataan.