Ito ang naging buod ng mensahe ni Mayor Gila Garcia sa RCEP and RFFA and Fuel discount program ng Department of Agriculture para sa ating mga mangingisda at magsasaka, kahapon sa Dinalupihan Multi-purpose Center.
Ibinalita ni Mayor Gila Garcia ang naging tagumpay ng kanilang programa sa drip irrigation na nilahukan ng sampung magsasaka na may sampung ektaryang taniman, na kanilang tinutukan kasama ang Unilever Israel mula sa proseso ng pagsasaka tulad ng know-how, technology, financing, hanggang sa pag aani at market distribution.
Ang nasabing proyekto ay nagbunga ng maraming aral, na siya nilang ginamit sa tagumpay para sa masaganang ani ng mga magsasaka.
At dahil sa naging tagumpay ng konsepto ng PPP project, sinabi ni Mayor Gila Garcia na ito ay in-expand na nila sa 4 na bayan para sa ikatlong distrito.
Ang kagandahan umano ng expansion ay ang katatapos na groundbreaking ng napakalaki, at napaka-modernong harvest facility sa bagong freeport/industrial zone sa kanilang bayan, na kung saan ang lahat ng ani ay hindi na mabubulok at hindi na rin babaratin ng mga traders.
Ayon pa sa bagong Congresswoman ng ikatlong distrito ninanais niya na lahat ng mga magsasaka sa buong lalawigan ay ma-survey upang ang mga makakalap na datos ay magamit sa paghingi ng tulong sa mga ahensya sa pamahalaang nasyonal.
The post Tagumpay ng PPP, inexpand na sa ibang bayan appeared first on 1Bataan.