Taiwanese company, bagong locator sa Hermosa Ecozone

Philippine Standard Time:

Taiwanese company, bagong locator sa Hermosa Ecozone

Dumalo si Hermosa Mayor Jopet Inton sa isinagawang Grand Inauguration ng YFC Development Corporation at YFC Boneagle Electronic Technology Philippines Corporation sa Hermosa Ecozone Industrial Park, Hermosa, Bataan nitong Lunes.

Nakasama ni Mayor Inton sina Garfield Tseng YFC Director, Arthur Hua, CEO YFC Eagle (Taiwan), Michael Pei-yung Hsu, Taiwan Ambassador- TECO, Mr. Tereso O. Panga, OIC DG Philippines Economic Zone Authority, Mayor Ace Jello Concepcion ng Mariveles, former Board Member Dr. Bong Galicia bilang kinatawan ni Bataan Governor Joet Garcia, at Tarlac Congressmen Victor A. Yap, at Christian Yap.

Ang naturang kumpanya ay manufacturer o gumagawa ng mga “power cords of 3C, copper LAN cables, patch cords”, at iba pa, na ginagamit sa e-commerce platforms at mga sistemang may kinalaman sa digital distribution channels.

“Isang karangalan po na tayo ay maimbitahan para sa ribbon cutting ng YFC Bon Eagle Electronic Technology na ginanap sa Hermosa Ecozone, isa na namang bagong mamumuhunan, maraming salamat po sa tiwala at pagpili sa aming progresibo at maunlad na Bayan ng Hermosa,” pahayag ni Mayor Jopet sa panayam ng Bataan newsmen.

Initially, ayon pa kay Mayor Inton, nasa 700 trabaho ang mage-generate ng bagong expansion na ito ng nasabing kumpanya.

Dagdag pa ni Mayor Jopet, bahagi ito ng pitong Taiwanese firms na nangakong palalawakin pa ang operasyon sa bansa na may investment pledges na nagkakahalaga ng P3.7 bilyon (humigit-kumulang $65 milyon) bukod pa sa iba pang manufacturing firm na interesado ring mag-operate ditto base aniya sa inilabas na ulat ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

The post Taiwanese company, bagong locator sa Hermosa Ecozone appeared first on 1Bataan.

Previous “Banchetto in Balanga, iba ito”

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by: