Pormal na binuksan sa New Hermosa Public Market ang “Talipapa para sa mga Kapatid na Aeta, Tulong Kabihayan sa Panahon ng Pandemya” nitong Linggo ng umaga sa Barangay Palihan, Hermosa.
Pinangunahan ito ni Hermosa Mayor Jopet Inton at Bataan Police Director Police Col. Romell Velasco. Ito ay joint project ng PNP Bataan at ng Pamahalaang Bayan ng Hermosa.
“Preskong mga produkto at nakatulong pa tayo sa ating mga kapatid na Aeta! Kaya, tara na!,” sambit ni Mayor Inton sa kanyang Facebook page post.
Layunin ng nasabing proyekto, na isinasagawa din sa iba’t ibang bahagi ng Bataan, na mabigyan ang mga katutubong Aeta ng hanapbuhay para pantustos sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.
Adbokasiya din ito ng PNP para tangkilikin ng mga mamamayan sa Bataan ang produkto ng organic farming ng mga kapatid na Aeta.
The post Talipapa ng mga kapatid na Aeta, binuksan sa Hermosa appeared first on 1Bataan.