Ito ang nakitang magandang solusyon ni Gov. Joet Garcia sa hinaing ng mga magsasaka, sa pulong nila ni Mayor Charlie sa iba’t ibang sektor, noong Lunes kaugnay ng Bisita Bayan kada Buwan Program.
Isa umano sa problema ng mga magsasaka ay ang kawalan sa lalawigan ng matatakbuhang repair shop kapag nasisira ang kanilang mga makinaryang pambukid at kailangan pa nilang pumunta sa Pampanga o sa Maynila sa paghahanap ng mga spare parts na hindi lamang malaking istorbo sa kanilang gawain sa bukid kundi dagdag pa itong gastos.
Sinabi ng mga magsasaka na malaking tulong sa kanila ang mga ibinibigay ng Pamahalaan na iba’t ibang makinarya para mapabilis ang kanilang pagtatanim at pag aani, ngunit ang masakit ayon sa kanila, ay ang kawalan ng mapupuntahang repair shop. Dahil dito, sinabi ni Gov. Joet na isa ito sa mga prayoridad na pag uusapan nila ng Provincial Agrucultural Office para agad matugunan ang kanilang hinaing.
Sa nasabing pulong, marami pang mga pangangailangan ang narinig ng ating mga opisyal, nguni’t ang nakatutuwa ay nagpasalamat sila sa iba’t ibang programang ipinaliwanag ni Gov. Joet lalo na ang mga proramang pangkalusugan tulad ng konsulta package at iba pang mga serbisyo at programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan katulong ang Yunit Pamahalaang Lokal ng Pilar.
The post Talyer para sa makinarya ng mga magsasaka appeared first on 1Bataan.