Hinikayat ni P/Lt. Gen. Rhodel Sermonia ang lahat na tulungan at tangikilikin ang produkto ng “ating mga kapatid na Aeta.”
Ang pahayag ay ginawa ng dating Bataan police director na ngayon ay deputy for administration ng PNP, sa Camp Tolentino police headquarters kamakailan kung saan inilunsad ng Bataan police office sa pangunguna ni Police Col. Romell A. Velasco, provincial police director, ang “Talipapa Tulong sa Kapatid na Aeta sa Panahon ng Pandemya.”
Sa naturang talipapa ibinenta ng mga katutubo mula sa iba’t-ibang bayan ng Bataan ang kanilang aning prutas, gulay, niyog at honey sa mababang halaga. “Lahat tayo bumili para matulungan natin ang ating mga kapatid na nagsusumikap mamuhay nang marangal,” pahayag pa ni Sermonia.
The post ‘Tangkilikin natin ang katutubo’ appeared first on 1Bataan.