Sa ginanap na dayalogo sa Department of Agrarian Reform (DAR) na dinaluhan ng Kababaihan Bisig ng Kaunlaran (KABISIGKA) ng Brgy. Sumalo sa pangunguna ni Alona Apable, minsan pa ay napatunayan na ang mga kababaihan ay may boses at lakas sa ating lipunan, na sinuportahan naman ng grupo ng mga kalalakihan na Utol ng Sumalo na pinamumunuan naman ni Rebel Camiling.
Sa nasabing dayalogo na may kaugnayan sa kwestyonable umanong talaan ng mga benepisyaryo ng lupa sa nasabing barangay, buong tapang din na inilahad ng mga kababaihan ang mga iregularidad na gawain ng kanilang punong barangay upang maisama sa talaan ng mga benepisyaryo.
Dahil dito, napagkasunduan na ābubuo ng Task Forceā ang ahensya para silipin ang mga iregularidad patungkol sa talaan ng mga benepisaryo sa lupa.
Binanggit din sa nasabing dayalogo na 2006 pa umano ay naglabas na ng desisyon ang Korte Suprema na ang pinag-aawayang lupa ay pang residensyal at komersyal at hindi akma para sa agrikultural, na pinagtibay naman ng ulat ng DAR Central Luzon.
The post Task force binuo sa Hermosa appeared first on 1Bataan.