Kung noong araw kung saan-saan lang sila nakiki-igib ng tubig-inumin, ngayon ay mayroon na silang kanya-kanyang gripo sa loob ng kanilang tahanan.
Sinabi ni Punong Barangay Al Balan ng Alion, Mariveles, na ang kanyang mga nasasakupan na mahigit 300 residente sa mga Sitio (sub-village) ng Crossing, Niyugan at De Guia ay nagpahayag ng labis na katuwaan dahil sa pagkakaroon ng malinis na tubig sa kanilang lugar.
Nagpapasalamat ang mga residemte sa pamilya ni Don Medina na nag-donate ng 150- metro kuwadradong lupa para sa water system at sa Mariveles Water District (Mariwad) na naglagay ng pasilidad ng tubig.
“Nakipag-usap po ako sa Mariwad para sila na ang gumastos sa paglalagay ng water system sa naturang mga sitio,” paliwanag ni Balan.
The post Tatlong sitio sa Bgy. Alion, may malinis ng tubig na appeared first on 1Bataan.