Tumaas kahit papaano ang koleksyon ng buwis sa Balanga City, ayon kay Balanga City Treasurer Joselito Evangelista.
Sinabi ni Evangelista na sa real property tax (RPT) mula noong Enero 1, 2022 hanggang Marso 31, 2022 ang Balanga ay nakakolekta ng mahigit P27 milyon kumpara sa mahigit P33 milyon noong nakaraang taon.
Sa business tax umabot sa P74.1 milyon ang koleksyon kumpara sa P67.4 milyon noong nakaraang taon sa parehong panahon.
Ayon pa kay Evangelista, bumabalik na ang economic activities sa siyudad ng Balanga at sa buong Bataan. “Pero, siyempre, hindi pa din tulad noong pre-pandemic, hopefully tuluy-tuloy na ito,” paliwanag pa ni Evangelista.
The post Tax collection sa Balanga, tumaas appeared first on 1Bataan.