Trabaho, ‘ang bakuna” laban sa kahirapan

Philippine Standard Time:

Trabaho, ‘ang bakuna” laban sa kahirapan

Masayang sinalubong ni Gov. Abet Garcia at mga opisyal ng Lalawigan si Senator Joel Villanueva sa kanyang pagbisita sa lalawigan nitong nakaraang linggo.

Sa muling pagbisita ni Sen. Joel Villanueva sa ating lalawigan noong nakaraang lingo, sinabi niya sa kanyang mensahe, na isa sa mahalagang programa ng Pamahalaan ang tungkol sa National Employment Recovery Strategy Program, na layng makalikha ng trabaho para sa mga mamamayan.

Kasama umano sa programang ito ang Department of Trade and Industry (DTI) upang balangkasin sa iba’t ibang rehiyon kung anu-ano ang mga kailangang industriya para malikha ng trabaho.
Ito umano ngayon ang pokus nila sa Senado, ang paglikha ng trabaho, dahil ayon pa sa kanya, ang trabaho “ang bakuna” laban sa kahirapan dahil iyan ang kailangan ng ating mga kababayan para mabuhay.

Kung kaya’t dinagdagan umano nila ang budget ng TESDA sa P10B at kasama dito ang kanyang pet bill na “Tulong Trabaho Law” na hindi lamang nagbibigay ng free training kundi gumagarantiya na may trabaho na ang lahat ng magtatapos sa training dahil ang programa ay galing mismo sa mga industriya, na kung magkakaroon tayo ng 41k na scholar-trainees ibig sabihin nito ay nagta-target tayo ng 41k na trabaho.

The post Trabaho, ‘ang bakuna” laban sa kahirapan appeared first on 1Bataan.

Previous Sen. Villanueva eyes establishment of School of Medicine in BPSU

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.