Tulay at Tenejero bypass road beautification, natapos na

Philippine Standard Time:

Tulay at Tenejero bypass road beautification, natapos na

Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tulay at pagpapaganda ng isang bahagi ng Tenejero Bypass Road sa Lungsod ng Balanga.

Ang naturang proyekto ay ipinatupad ng DPWH Bataan 2nd District Engineering Office. Ayon kay District Engineer Ulysses Llado, ang proyekto ay sumasaklaw sa pagkonkreto ng 163.60-lineal meter na seksyon ng bypass road at pagtatayo ng isang two-lane, 12-meter concrete bridge. “Ang bypass road ay nag-uugnay ngayon sa mga urban barangay ng Tenejero at Camacho na parehong matataas ang populasyon at matatagpuan sa commercial district ng Balanga City.

Ang pagsisikip ng trapiko ay isang malaking problema para sa mga motorista sa loob ng maraming taon, kaya ang proyektong ito ay magdadala sa kanila ng matinding kaluwagan,” dagdag ni Llado.

Isang 453.20-lineal meter na drainage canal ang ginawa din para maiwasan ang naiipong tubig sa pavement o road shoulder, gayundin ang 244-lineal meter concrete slope protection structure para makatulong na patatagin ang slope at protektahan ang mga nakapaligid na property.

Nasa P24.5 milyong pondo ang inilaang pondo para sa proyektong ito.

The post Tulay at Tenejero bypass road beautification, natapos na appeared first on 1Bataan.

Previous Gov. Garcia pushes health care program

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.