Sa tulong ng Bataan National Police (PNP), labindalawa (12) sa 70 benepisyaryo ng programa ng DTI na Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) ay mga taong nais magbalik-loob sa Pamahalaan. Sila ay binigyan ng DTI ng oportunidad na magsimula ng isang maliit na negosyo kasama ang mga mahihirap na pamilyang gayundin ang mga naging biktima ng kalamidad.
Ayon ka DTI Provincial Director Eileen Ocampo ilan sa mga benepisaryo ay magsisimula pa lamang o mayroon nang sari-sari store samantalang ang iba ay gumagawa ng walis tambo, at mayroon ding nasa flower at milk tea business.
Sa pamamahagi ng livelihood kits kahapon na ginanap sa Doña Francisca Covered Court, binigyang-diin ni PD Ocampo sa mga benepisyaryo na inaasahan nilang gagamitin nila nang mahusay ang mga livelihood kits para umunlad pa ang kanilang buhay, at nangako rin na patuloy nilang susubaybayan ang mga benepisaryo upang dagdagan pa ang kanilang kaalaman sa pagnenegosyo sa pagdaraos ng mga seminars at trainings.
Sinabi naman ni Provincial PESO Manager Eva Basalo na mas maganda para sa kanila ang tulong pangkabuhayan dahil naniniwala silang may multiplying effect ito, kung sila ay uunlad tiyak magdadagdag sila ng trabahador, ibig sabihin nakatulong na sila sa iba.
Ayon naman kay P/Lt Col. Nestor Chavez, Deputy Provincial Director for Administration, na ang pagbibigay ng livelihood kits ay paraan ng pagtulong ng ating Pamahalaan at pagpapadama ng pagmamalasakit sa ating vulnerable group, na hindi sila pinababayaan.
The post Tulong sa mga nagbabalik-loob sa pamahalaan appeared first on 1Bataan.