Tulong sa mga nasunugan, dumagsa

Philippine Standard Time:

Tulong sa mga nasunugan, dumagsa

Dumagsa ang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng naganap na sunog sa Brgy. PaCar, Orani, Bataan nitong Lunes.

Unang tumugon sa pangunahing pangangailangan ng mga nasunugan ay si Bataan 1st District Representative Geraldine B. Roman na kaagad na namahagi ng food packs at hygiene kits sa mahigit dalawampung pamilyang nasunog ang mga bahay na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa katao.

Si Pusong Pinoy Partylist Rep. Jett Nisay ay umaksyon din at nagpamahagi ng food packs sa 24 na benepisyaryo.

Samantala, si Orani Vice Mayor Em Roman kasama ang kanyang EMcares Team ay dumalaw din sa mga nasunugan at namigay din ng mga food packs.

Si dating Bokal Rey Ibe ay dumalaw din sa mga nasunugan at namahagi ng bigas sa mga pamilyang apektado.

The post Tulong sa mga nasunugan, dumagsa appeared first on 1Bataan.

Previous Linkage between rabbit meat producers and LGUs strengthened

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.