Sa pamamagitan ng programang “Ayuda para sa Kapos ang Kita Program” o (AKAP) ng DSWD, nagkaroon ng pagkakataon si Pusong Pinoy Partylist Representative, Cong Jett Nisay na makapagbigay ng tulong pinansyal sa mahigit dalawang libong (2,000) miyembro at opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) sa buong Bataan noong ika-29 ng Hunyo sa Bataan People’s Center.
Ayon Kay Cong Jett, nauunawaan niya ang mga sakripisyo ng mga Sangguniang Kabataan, dahil naging SK chairman din siya noon, kung saan, ang iba ay nag aaral pa, napupuyat, napapagod at kung magkaminsan ay nagpapaluwal pa sa kanilang mga proyekto, Kung kaya’t dahil sa kanilang serbisyong hindi matatawaran ay ninais niyang bigyan sila ng suporta at tulong pinansyal sa pamamagitan ng AKAP para maramdaman nila na may “pusong” handang tumulong sa kanila.
Samantala, sinabi naman ni SK Federated President Lovely Poblete na, “the financial assistance or AKAP is more than a monetary reward in recognition of the SK’s hardwork, commitment and unwavering dedication to their responsibilities.”
Sa kanyang mensahe inilahad na rin ni Cong Jett ang lahat mga programa at serbisyong ginagawa niya sa lalawigan tulad ng para sa kalusugan, anti-smoking, medical assistance, at marami pang iba. Ayon pa rin sa kanya, ang pagiging lider ay hindi lamang sa posisyon kundi nasa puso ang hangarin na makatulong at makapaglingkod ng tapat, at sana ay maging inspirasyon nila ang paglilingkod at makapagbigay ng pagbabago para sa mga kabataan. Nakasama rin sa nasabing programa sina DSWD Regional Director Venus Reboldela, BM Iya Roque na kumatawan kay Gov Joet, at BM Popoy del Rosario.
The post Tulong sa SK mula sa Pusong Pinoy appeared first on 1Bataan.