TUPAD para sa mga magulang sa 3rd district

Philippine Standard Time:

TUPAD para sa mga magulang sa 3rd district

Pinulong ni Cong. Gila Garcia nitong nakaraang Huwebes ang mga day care workers sa mga bayan ng Dinalupihan, Morong, Bagac at Mariveles upang ipaliwanag ang implementasyon ng programang TUPAD+ para sa mga magulang ng mga batang pumapasok sa day care centers.

Sinimulan ni Cong Gila ang kanyang mensahe sa pagbati ng happy women’s month na may temang “embrace equity” na realidad ng buhay dahil sa konsepto ng equality bagama’t pantay-pantay na tulong ang ibinibigay ay dapat pa ring iba iba ang klase ng pagtulong base sa kapasidad ng tao, para mawala ang balakid na maibangon ng tao ang sarili.

Nais ni Cong Gila na maipatupad ang programang TUPAD + para tulungan ang mga magulang na mabigyan ng kapasidad ang kanilang mga anak.

Ang TUPAD+ paliwanag pa ni Cong Gila ay pagbibigay ng konting insentibo sa mga day care parents na maging magaan ang pagdalo sa mga sesyon sa EDUCHILD.

Bukod sa pagtulong sa supplemental feeding at paglilinis sa paligid ay kinakailangan pa rin na nakikipag ugnayan silang mga magulang para sa assessment at early diagnosis kung saan ay maaaring ma detect kung posibleng may disability ang kanilang anak nang sa gayon ay mabigyan agad ito ng intervention.

Kapag nakumpleto na ang 10 sesyon ng Educhild ay bibigyan sila ng certificate of completion at ang kanilang Php 4,600.00 na galing sa TUPAD.

Dumalo rin sa nasabing orientation si Vice Gov. Cris Garcia na nagsabing, malaking tulong ito upang magabayan sa tamang direksyon ang mga magulang para maging matatag ang kinabukasan ng susunod na henerasyon.

The post TUPAD para sa mga magulang sa 3rd district appeared first on 1Bataan.

Previous Bataan retired teachers laud Acuzar’s support

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.