Dapat din pag-ukulan ng pansin ng pamahalaang-lokal ang turismo sapagkat ito ay makakatulong sa paglago ng kita ng bayan ng Mariveles, Bataan.
Ito ang pahayag ni Sangguniang Bayan member na si Kon. Tito Pancho Catipon na namumuno sa komite ng turismo.
Sinabi ni Catipon na maraming pook-pasyalan sa Mariveles na dapat maisaayos para maging source ng kita ng munisipalidad.
Sa ngayon Five Fingers resort at Tarak Ridge sa Barangay Alas-asin ang dinarayo ng mga turista.
Nagpasa na umano ng isang municipal ordinance noong isang taon si Catipon upang masinop ang Tarak Ridge.
The post Turismo sa Mariveles dapat pag-ukulan ng pansin- Catipon appeared first on 1Bataan.