Sinabi ni Mayor AJ Concepcion na mahalaga ang pagkakaroon ng ugnayan ng kanilang pamahalaang-bayan sa iba’t ibang ahensya partikular na ang Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) dahil malaki umano ang bahagi ng nasabing ahensya sa kaunlaran ng Mariveles.
Bunsod ng layuning lalo pang patibayin ang kanilang samahan, lalo pang maging maayos ang kanilang samahan, magkaroon ng bukas na komunikasyon at aktibong pakikilahok sa mga usaping bayan, isang pulong ang idinaos na pinangunahan ni AFAB Administrator Emmanuel Pineda. Sa nasabing pulong na ginanap sa kanyang tanggapan, sinabi ni Administrator Pineda na makikipagtulungan ang AFAB sa abot ng kanilang makakaya lalo pa’t ito ay para sa kaunlaran at kaayusan ng bayan.
Kasama rin sa nasabing pulong ang mga katuwang ni Adm. Pineda sa AFAB na sina CAD Technical Officer Paul Robert Salapantan, Head Exec. Asst. Maria Loreto Quicho at Senior Public Relations Officer Aileen Grace Pizarro.
Bilang tanda ng mas pinatibay na samahan ay nagkaroon ng ceremonial turn-over ng mga water meters para sa mga kwalipikadong residente ng Brgy Malaya na nasa loob mismo ng FAB, kung kaya’t gayon na lamang ang pagpapasalamat ni Mayor AJ Concepcion.
The post Ugnayan ng AFAB at LGU ng Mariveles, lalo pang pinatibay appeared first on 1Bataan.