UHC Law, may tatak Garcia

Philippine Standard Time:

UHC Law, may tatak Garcia

Sa pagdalaw ni Senadora Riza Hontiveros sa Bataan noong nakaraang linggo, hindi niya napigilan na ipahayag ang kanyang paghanga sa bagong gusali ng kapitolyo, ang “The Bunker” dahil bukod sa ito ay isang one-stop government center na nagbibigay ng kaluwagan sa mga transaksyon ng mga Bataeno, may replica pa ito ng World War ll.

Binigyan din ng pagpapahalaga ni Senadora Hontiveros si Cong Joet Garcia na aniya ay malaki ang naitulong sa deliberasyon sa pagpasa ng Universal Health Care (UHC) law dahil sa marami umano itong ibinahaging mga best practices sa lalawigan ng Bataan.

Ayon pa sa Senadora, sa napakarami umanong maiinit na debate tungkol sa nasabing batas, maraming naitulong si Cong Joet upang ma-break ang mga deadlocks at makaabot sila sa consensus at compromise, kung kaya’t masasabi umano niyang ang UHC Law ay may tatak Garcia. Idinagdag pa ni Hontiveros na malapit na rin umanong maipasa sa 3rd and final reading ang panukalang batas ni Cong Joet na “Parent Effectiveness Program Bill” katulong siya sa Senado. Anupa’t ayon sa mahusay na Senadora, sa tagal ng mga Garcia simula pa kay Cong/Gov Tet Garcia hanggang sa ngayon ay mayaman na ang ambag ng mga ito sa kasaysayan ng bansa.

Bilang miyembro ng Nuclear – Free Phils Coalition, natutuwa siya na iisa ang stand ng mga Garcia hinggil sa nuclear power plant; na ayon kay Mayor Francis Garcia, hanggang ngayon umano ay nagsusulong sila ng win-win solution hinggil sa nasabing planta.

The post UHC Law, may tatak Garcia appeared first on 1Bataan.

Previous Gov. Abet thanks frontliners

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.