Masaya si Vice Mayor Ces Garcia ng Bayan ng Pilar dahil naging napakaproduktibo umano ng unang 100 araw ng kanilang panunungkulan, matapos ang eleksyon.
Ayon kay Vice Mayor Garcia, umabot sa 11 ordenansa at 37 resolusyon ang naipasa nila sa Sangguniang Bayan ng Pilar na kanyang pinamumunuan, sa nasabing panahon, na malaking tulong sa kanilang mga mamamayan.
Ilan sa mga ito ay ang resolusyon na pumasok sa MOA ang kanilang punong-bayan kasama ang DSWD para sa Supplemental Feeding, pagkakaroon ng local anti-criminality action plan, resolution adopting the ten-point agenda to accelerate and sustain economic revovery from Covid-19 pandemic, ordinance promoting and developing organic agriculture in Pilar, ordinance instituting and implementing registration of ownership of agricultural and fishery machineries and equipment at marami pang iba na naging makahulugan sa kanilang mga kababayan.
Normal din umano na gumana ang tunay na demokrasya sa kanilang mga talakayan sa mga panahon ng sesyon at pinasasalamatan nila ang magandang suporta ng kanilang punong-bayan sa implementasyon ng mga nasabing resolusyon at ordenansa kaya masasabi niyang naging mabunga ang kanilang unang 100 araw na panunungkulan bilang pasimula sa higit pang serbisyo sa bayan.
The post Unang 100 araw, produktibo appeared first on 1Bataan.