Ito ang naging tema ng social responsibility activity sa komunidad ng Bataan-Baseco Joint Venture Inc. (BBJVI) na pinagunahan ng kanilang Chief Executive na si Engr. Edgie Ruiz.
Sila ay namahagi ng mga school supplies sa may 200 day care children sa mga barangay ng Baseco at Alas-asin, na sumasakop sa kanilang kompanya.
Sa kanyang payak na mensahe sa mga magulang, sinabi ni Engr. Ruiz na mahalaga ang day care program dahil ito ang unang hakbang at pagyapak ng kanilang mga anak sa eskwelahan, kung kaya’t dapat umanong itanim sa kanilang isipan ang kahalagahan ng edukasyon, na isa sa ipamamana natin sa ating mga anak na maaring maging susi ng magandang pagbabago sa kanilang buhay.
Binanggit din ni G. Ruiz ang pagsusumikap ng mga lider ng lalawigan simula pa kay Cong/Gov. Tet Garcia sa pagbibigay prayoridad sa edukasyon sa pagkakaroon ng programang “Iskolar ng Bataan” na ang layunin ay magkaroon ang bawat pamilya ng isang anak na professional, na itinuloy ng kanyang mga anak na sina Congressman Abet Garcia ng 2nd district, Congresswoman Gila Garcia ng 3rd district, Gov. Joet Garcia at maging si Mayor AJ Concepcion ng bayan ng Mariveles.
Makikita sa mukha ng mga bata at mga magulang ang kasiyahan dahil hindi lamang school supplies ang natanggap nila kundi maging meryenda kung kaya’ t ganoon na lamang ang pasasalamat ni Punong Barangay Nes Cabanillas sa tuloy-tuloy na tulong ng BBJV sa kanilang komunidad.
The post Unang hakbang sa karunungan appeared first on 1Bataan.