Pinaikot ni Mayor Charlie F. Pizarro ang vaccination team ng Pilar upang ituloy ang pagbabakuna laban sa COVID-19. Sinabi ni Pizarro na kamakailan lamang niya nalaman na marami pang residente sa mga liblib na sitio at barangay sa kanilang bayan ang wala pang bakuna.
“Sa totoo lang, marami palang gustong magpabakuna kaya lang hindi makaalis ng bahay dahil walang maiwan sa bata, yung iba naman nagbabantay ng tindahan,” paliwanag ni Mayor Charlie.
Dahil dito, pinaikot ng Alkalde sa 19 na barangay ang vaccination team ng Pilar para maghanap ng mga residente na hindi pa bakunado.
Sa ngayon, mayroon nang 55 porsiyento ng populasyon sa Pilar ang bakunado. Tuluy-tuloy din ang pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 sa Government Center ng Pilar.
The post Vaccination team ng Pilar, umiikot appeared first on 1Bataan.