Isang basang-basang Mayor Gila Garcia ang humarap sa panayam ng media, kung saan sinabi niya na sa siyam na taong ipinagdiriwang ang kapanganakan ng kanilang Patron San Juan Bautista, maliban sa 2 taon dahil sa pandemya ay nagpapasalamat siya at muling nabalik ang tradisyon ng basaan o water festival sa kanilang bayan.
Napakasigla, at buhay na buhay ang mga taong nasabik sa pagbabalik ng water festival na dalawang taon ding nawala.
Talaga namang ang mga tao ay nagsasayawan, nagtatalunan at nagsisigawan ng “VIVA SAN JUAN, VIVA DINALUPIHAN”, lalo pa’t matatapat sila sa pagbomba ng tubig mula sa mga trucks ng bomber.
Ayon pa kay Mayor Gila, siyam na truck ng bombero ang nakahanda sa iba’t ibang lugar na daraanan ng kuraldal ni San Juan Bautista.
Sinabi pa ni Mayor Gila na nagsimula sila nong June 13 nang araw-araw na pagdiriwang ng kanilang Kapistahan at ito ngang June 24 ang main event, kung saan sa gabi naman ang concert na ipinangako ni Gov Abet Garcia na pangungunahan ng rapper na si Andrew E.
Samantala, sinabi naman ni Mayor-elect Tong Santos na nakita niya ang nag-uumapaw na kaligayahan ng kanyang mga kababayan sa pagbabalik ng water festival at sana umano ay magtuluy-tuloy na ito, at asahan na lalo pa niyang pagagandahin at pasisiglahin ang nasabing water festival.
The post Viva San Juan, Viva Dinalupihan appeared first on 1Bataan.