Puwede na uli kumain ng tahong at iba pang shellfish sa Bataan. Ito ang pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) matapos makita sa samples na kinuha sa karagatan ng iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Bataan na wala na umanong nakita paralytic shellfish poisoning (PSP) sa tahong.
Ang pagbabawal sa pangunguha at pag kain ng tahong at iba pang shellfish ay ipinagbawal ng BFAR noong Nobyembre 6, 2021 at nito lamang nakaraang Pebrero 25, 2022 dahil sa red tide. Sinabi ni Provincial Agriculturist Engr. Joey Dizon na wala na ngang red tide sa baybaying-dagat ng lalawigan subalit patuloy pa ring isinasagawa ng BFAR ang pagkuha ng samples upang makatiyak na ligtas na ang mga tao sa red tide.
Matatandaan na daan-daang magtatahong sa lalawigan ang hindi nakapaghanap-buhay dahil sa banta ng red tide nitong mga nakaraang buwan.
The post Wala nang red tide appeared first on 1Bataan.