Watchmen, gumagamit na ng body cameras

Philippine Standard Time:

Watchmen, gumagamit na ng body cameras

Upang masiguro ang kanilang kaligtasan sa tuwing sila ay gumaganap ng kanilang tungkulin, sisimulan nang gamitin ng mga Barangay Tanod ng Barangay San Carlos, Mariveles, ang mga bagong biling body cameras para sa kanilang operasyon.

Ayon kay Punong Barangay at Municipal Councilor-elect Ivan Ricafrente, ito ay upang masiguro din ng Pamahalaang Barangay ng San Carlos na hindi nagpapabaya at hindi abuso sa tungkulin ang kanilang mga kawani.

At kung sakaling may reklamo laban sa kanila, madali itong mapatunayan o mapasinungalingan sa pamamagitan nang hindi nagsisinungaling na ebidensya: ang mga actual videos na nakunan ng kani-kanilang body cameras.

Dagdag pa ni Ricafrente, prayoridad din ng Pamahalaang Barangay ng San Carlos na pangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga kawani na araw-araw ay itinataya ang kanilang buhay at kaligtasan para mapangalagaan ang kabutihan at kaligtasan ng lahat.

The post Watchmen, gumagamit na ng body cameras appeared first on 1Bataan.

Previous Power firm puts up plant in FAB

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.