Sa ikatlong taong pagdiriwang ng anibersaryo ng KABISIGKA o Kababaihang Kapit-Bisig sa Kaunlaran ng Brgy. Sumalo sa bayan ng Hermosa, isang simpleng programa ang idinaos kung saan ay inimbita si Ms.Angela Litton- Falcon, manager ng Riverforest Development Corp.
Simple ang naging pagtalakay ni Ms. Angela Litton – Falcon sa temang women empowerment, kung saan ay ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng isang babae, binigyang-diin niya na, “Babae ako, hindi babae lang ako” na malaki ang bahagi ng kababaihan sa kaunlaran ng isang pamayanan, na pwedeng maging lider ng grupo na makakatulong sa pag unlad ng pamayanan.
Ibinalita nya rin na bilang manager ng RDC, plano nila na maglunsad ng iba’t ibang mga livelihood projects para sa mga kababaihan para makatulong hindi lamang sa pagbibigay serbisyo sa pamilya kundi upang makadagdag sa kita ng asawa na malaking tulong sa kanilang mga pangangailangan. Binigyan ding pagpapahalaga ang ilang kababaihan na tumanggap ng Certificate of Recognition na nagsimula ng KABISIGKA, sa pangunguna ni Gng. Alona Afable, na siyang pangulo ng nasabing grupo.The post Women empowerment, tema ng anibersayo ng KABISIGKA appeared first on 1Bataan.