“You will always be in the heart of every Bataeno”

Philippine Standard Time:

“You will always be in the heart of every Bataeno”

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Gob. Abet Garcia kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mensahe sa katatapos na groundbreaking ceremony para sa Philippine Sports Training Center (PSTC) sa Brgy. Parang, Bagac.

Ayon kay Gob. Garcia, natutuwa ang mga Bataeno tuwing dadalaw ang Pangulo sa lalawigan hindi lamang upang makadaupang-palad kundi dahil may dala na naman itong napakalaking proyekto, gaya ng pagkapili sa Bataan upang pagtayuan ng nasabing sports training center.

Sa kanyang mensahe ay binanggit ni Gob. Abet ang ilan sa mga proyektong naisakatuparan sa administrasyon ni Pangulong Duterte gaya nang malalawak na kalsada, mga farm to market roads, ospital, paaralan, pabahay sa mahihirap gayundin ang mga social programs gaya ng libreng tuition fees sa kolehiyo, libreng irigasyon, at mga programa sa pandemya tulad ng SAF, AICS at TUPAD na tunay umanong naramdaman ng mga Bataeno ang magagandang epekto ng mga ito sa kanilang pamumuhay.

Hindi nalimutang banggitin ni Gov Garcia ang mga Malasakit Centers sa lalawigan na ayon pa sa kanya ay naging napakalaking tulong sa mga mahihirap na nagkakasakit.

Gayundin ang paglagda ng Pangulo sa batas na isinulong ni Cong Joet Garcia, na nagpapalawak sa Freeport Area of Bataan sa buong lalawigan, na ayon pa sa Gobernador ay makapagbibigay ng maraming trabaho sa ating mga kababayan nanv sa gayon ay hindi na malalayo pa sa kanilang mga pamilya.

Higit sa lahat, ang makapagpapabago umano ng kapalaran ng lalawigan sa pamamagitan ng kanyang Build, Build, Build Program, ang Bataan-Cavite interlink bridge na magbibigay ng isa sa mga solusyon sa napakalaking problema ng trapiko sa Metro Manila.

Ayon pa kay Gob. Abet, ito ay magbibigay ng pambihirang oportunidad at mas magandang kinabukasan sa mga mamamayan sa lalawigan.

Dahil dito sinabi ni Gov. Abet sa Pangulong Duterte na, “You will always be in the heart of every Bataeno”.

The post “You will always be in the heart of every Bataeno” appeared first on 1Bataan.

Previous ‘Maintaining pork supply still a challenge’

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.