Pinasalamatan ni Mayor AJ Concepcion ang lahat nang mga nakasama sa pagmomonitor, paggabay, pag-rescue at paghahatid ng tulong sa kanilang mga kababayan sa loob ng pitong araw na walang tigil na malalakas na pag-ulan, dulot ng bagyong Egay na sinundan pa ng bagyong Falcon.
Ilan sa mga ito ay ang Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO), Public Safety Office (PSO), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP) mga opisyal ng bawat barangay, Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO), Municipal Health Office at Municipal Sanitation Team.
Sila ang nanguna sa paglilikas ng mga pamilya noong kasagsagan ng bagyo, pagdadala sa mga evacuation centers, pamamahagi ng mga mineral water, relief goods o foodpacks, sanitation at hygiene kits at pagsasagawa ng fogging at vector surveillance upang masiguro na ligtas sila sa dengue.
Ang lahat nang sama-samang tulong na ito ay ipinagpapasalamat ni Mayor Concepcion una sa Panginoon, pangalawa ay pagpupugay sa pagkakaisa ng lahat dahil zero casualty sa buong bayan ng Mariveles, at wala ding naitalang lubhang nasaktan.
The post Zero casualty sa Mariveles appeared first on 1Bataan.