Zumba para sa may Cancer

Philippine Standard Time:

Zumba para sa may Cancer

Matagumpay na nailunsad sa bgy Alion bayan ng Mariveles, ang Zumba for a Cause na proyekto ni bgy Capt Al Balan, sa kabila ng masungit na panahon nitong biyernes.

Hindi napigil ng malakas na ulan ang iba’t ibang grupo ng mga  zumba dancers mula pa sa ibang barangay na nakibahagi sa mahalagang proyektong ito, sa layunin na makatulong sa kanilang mga kababayan na may kanser.
Sa panayam kay bgy Capt Al Balan sinabi nitong matagal na silang may programa sa zumba bilang exercise at isa ito sa naisip nyang paraan para makatulong sa kanyang mga kababayan na may kanser. Na ayon pa sa kanya, ang malilikom nilang halaga ay ido-donate nila sa cancer society sa bayan ng Mariveles upang mabigyang ng agarang tulong ang mga pasyenteng  nangangailangan.
Sinabi pa ni Capt. Balan na patuloy siyang magsasagawa ng mga katulad nitong programa para sa kapakinabangan ng kanyang mga kababayan.

The post Zumba para sa may Cancer appeared first on 1Bataan.

Previous Gov. Joet wants cops to plant veggies

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.