๐——๐—ถ๐˜€๐—ธ๐˜„๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐˜‚๐—ฏ๐—ถ๐—ฐ ๐—•๐—ฎ๐˜† ๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜

Philippine Standard Time:

๐——๐—ถ๐˜€๐—ธ๐˜„๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐˜‚๐—ฏ๐—ถ๐—ฐ ๐—•๐—ฎ๐˜† ๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜

Nagsagawa ang Subic Bay Metropolitan Authority-Labor Department, katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI)-Zambales ng tatlong araw na โ€œBalik Eskwela Diskwentoโ€ caravan sa parking area ng Ayala Harbour Point Mall sa Subic Bay Freeport.

Dumalo sa pagbubukas ng seremonya sina DTI-Zambales officer-in-charge provincial director Enrique Tacbad, SBMA labor manager Melvin Varias, Grace Ognisaban ng Harbour Point Mall, SBMA deputy administrator Ruel John Cabigting, at Roger Castillejo, presidente ng Olongapo City Consumer First Council.

Sinabi ni PD Tacbad na layunin ng caravan, na tatagal hanggang ika-20 ng Mayo, na makapagbigay ng diskwentong presyo sa mga pangunahing bilihin na kailangan ng mga mag-aaral gaya ng uniporme, sapatos at school supplies.

Ibinahagi ni Tacbad na noong nakaraang taon, ang DTI Zambales ang may pinakamaraming Diskwento Caravan sa buong Gitnang Luzon kung saan ito ay nakapaglingkod sa 5,055 konsyumers at kumita ng 1.195 milyong piso.

Samantala, kasabay ng Diskwento Caravan ay isang mini job fair din ang isinagawa kung saan nasa 500 job vacancies mula sa 21 Freeport locators ang inialok sa mga naghahanap ng trabaho.

Kasabay nito ay binuksan din ang Diskwento Caravan sa Plaza Mayor De Ciudad De Balanga sa Bataan nitong Hueves, Mayo 19 hanggang Biernes, Mayo 20, 2022.

The post ๐——๐—ถ๐˜€๐—ธ๐˜„๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐˜‚๐—ฏ๐—ถ๐—ฐ ๐—•๐—ฎ๐˜† ๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜ appeared first on 1Bataan.

Previous EO No. 35, binigyang diin ni Mayor Francis

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon โ€“ Fri: 8:00 am โ€“ 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
ยฉ 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.