Tinatayang isang-daan at limampung kabataang Samaleno ang nakapasok na at makikinabang sa programang Special Program for the Employment of Students o SPES, na makapagtrabaho sa kani- kanilang komunidad sa linggong ito.
Ayon kay Mayor Aida Macalinao, mahigit isang milyong piso ang inilaan ng yunit pamahalaang lokal ng Samal sa pamamagitan ng PESO Samal katuwang ang Department of Labor and Employment o DOLE. Ito ang pinakamalaking pondong inilaan nila para makapagbigay ng suporta sa mga kabataang Samaleno na ang karamihan ay sadyang hinamon ng pandemya.
Ang SPES ay isang mekanismo ng Pamahalaang Nasyonal sa pamamagitan ng DOLE, para sa mga kabataan upangmakinabang sa matututunan nilang skills at mga karanasan sa pagtatrabaho.
Para sa mga kabataang Samaleno, ito ay mabisang paraan para abutin ang kanilang pangarap at umasa na ang Pamahalaang Bayan ay patuloy na gagabay sa kanilang adhikain.
The post P1M pondo inilaan sa SPES ng Samal appeared first on 1Bataan.