Napakaganda umano ng batas na naipasa ni Cong. Joet Garcia ng pangalawang distrito ng lalawigan, na nagtatakda ng extension ng Freeport Area of Bataan, dahil ito ay napakalaking oportunidad sa bawat bayan na magkaroon ng kani-kaniyang economic zone.
Sinabi ito ni Mayor Macalinao sa dahilang napakarami umanong investors ang pumupunta sa kanya dahil nais nilang magtayo ng kanilang mga negosyo sa bayan ng Samal, na kung ang mga ito ay mapagsasama sama sa isang lugar ay magandang simula na ito ng isang Economic Zone.
Sa kasalukuyan umano ay pinag aaralan ng Sangguniang Bayan ang pagre-reclassify sa isang ” 30 ektaryang lupain” para maging industrial na pwedeng maging katuparan ng pangarap ng bawat Samaleno na magkaroon ng maraming trabaho.
At upang mas maging maalam siya sa pagkakaroon ng Ecozone ay humingi siya ng ilang ideya at mga advise kay Mayor Charlie Pizarro ng bayan ng Pilar sa itinatayo ditong Bataan Harbor City gayundin makikipag coordinate umano siya kay Administrator Emmanuel Pineda para sa mga tamang proseso.
Ayon pa kay Mayor Macalinao, lagi umanong nakatuon ang kanyang pananaw sa vision ng Bataan na makapag-create ng maraming job opportunities para sa kanyang mga kababayan nang sa ganon kung may trabaho na sila, makapagbibigay sila ng pagkain sa kanilang hapag, pantustos sa edukasyon ng kanilang mga anak, pantustos sa kalusugan at iba pa, na ang lahat ay tungo sa pag unlad ng bayan, at pag unlad ng lalawigan.
The post Samal naghahanda na para magkaroon ng Economic Zone appeared first on 1Bataan.