Sports hub sa Bataan, sisimulan na

Philippine Standard Time:

Sports hub sa Bataan, sisimulan na

Ito, ayon kay Sec. Karlo Nograles, Secretary ng Phil. Sports Commission (PSC) ang isa sa pinakamahalagang accomplishments na ibinida niya sa kanyang report sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang video presentation, sinabi ni Sec. Nograles na sa madaling panahon ay sisimulan nang gawin ang state-of-the-art sports training center sa bayan ng Bagac.

Inilahad din ni Sec. Nograles sa kanyang report na nag-donate ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan ng 25 ektaryang lupa, na siyang magiging official home ng mga Pilipinong atleta, maging ito man ay kabilang sa mga baguhan o “elite athlete” na kung saan dito sila magsasanay. Kung masisimulan na umano ang konstruksyon ng sports hub sa susunod na taon (2022) ay maari umanong matapos ito sa year 2025. Sa ngayon ayon pa kay Sec. Nograles, nasimulan na ng ahensya ang pagdaraos ng mga training bubbles para sa pag e-ensayo ng mga atletang lalahok sa mga international competitions tulad ng Paris Summer Olympic sa taong 2024.

The post Sports hub sa Bataan, sisimulan na appeared first on 1Bataan.

Previous Bagong ambulansya para sa bayan ng Samal

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.