Magtatayo ng palengke sa Barangay Alion

Philippine Standard Time:

Magtatayo ng palengke sa Barangay Alion

Pinaghahandaan na ang pagtatayo ng pamilihang barangay sa Alion, Mariveles, ayon kay Punong Barangay Al Balan.
Sinabi ni Balan na mayroon nang nakalaang pondong P22 milyon mula sa opisina ni Bataan Gov. Albert S. Garcia para sa pagpapagawa ng daan na may habang 2.2 kilometro at may lapad na limang metro.

Ayon pa kay Balan, malaking kaginhawahan para sa kanyang mga kabarangay ang pamilihan o public market.
Sa ngayon, dumadayo pa sa mismong bayan ng Mariveles o sa Balanga City ang kanyang mga kabarangay para mamili ng kanilang pang araw-araw na pangangailangan.
Mayroong humigit-kumulang sa 5,000 ang populasyon ng Barangay Alion.

The post Magtatayo ng palengke sa Barangay Alion appeared first on 1Bataan.

Previous Pediatric vaccination rolls out in Bataan

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.