Ito ang magandang balita para sa mga negosyante na nagbabayad ng buwis dahil alinsunod sa Republic Act 11976 o Ease of Paying Taxes Act, hindi na kailangang bayaran ang Annual Registration Fee (ARF) na P500.00 kada taon sa bawat negosyo.
Base sa ipinalabas na Advisory ng Bureau of Internal Revenue(BIR) para sa lahat ng taxpayers, Revenue Officials at mga empleyado, effective Jan. 22, 2024, ang BIR ay hindi na mangungulekta ng Annual Registration Fee.
Dagdag pa sa Advisory, ang business taxpayers ay exempted na sa pagpa-file ng BIR Form no.0605 o ang pagbabayad ng P500. kada negosyo tuwing buwan ng Enero kada taon.
Binigyang diin din ng BIR na kung mayroon na kayong Certificate of Registration (COR), ito umano ay mananatiling valid maliban na lamang kung nais mong palitan o i-update ang iyong COR, na maaari mong papalitan sa alinmang Revenue District Office bago mag Dec.31 ng taong kasalukuyan at kailangang isurender ang dating COR.
The post ARF, di na kailangang bayaran appeared first on 1Bataan.