Sa pangunguna ni Congresswoman Gila Garcia, inilunsad ang bagong pogramang AKAP ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa bayan ng Mariveles nitong ika-18 ng Mayo. Ang bagong programa na Ayuda para sa Kapos ang Kita, ayon kay Cong. Gila ay may temang “AKAPin natin ang Bagong Pilipinas” para magbigay ng tulong sa mga minimum wage earners, mahihirap, near poor o mga nasa impormal na ekonomiya, na apektado ng matinding pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ipinaabot ni Cong Gila ang pasasalamat kina Pangulong Bongbong Marcos Jr., House Speaker Martin Romualdez at DSWD Secretary Rex Gatchalian sa pagkakaloob ng pondo para sa nasabing programa, para sa kanyang mga kababayan na kapos ang kita. Nakasama ni Cong Gila sa paglulunsad sa Mariveles sina Mayor AJ Concepcion, Acting Mayor Lito Rubia, mga Sangguniang Bayan members gayundin sina Board Members Popoy del Rosario, Harold Espeleta at Angel Sunga.The post Ayuda para sa Kapos ang Kita, inilunsad sa Mariveles appeared first on 1Bataan.