Inilipat na ng Pamahalaang Bayan ng Orani sa bagong lokasyon ang mga nagtitinda ng bargain tuwing Miyerkules upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko sa paligid ng Orani Public Market.
Simula nitong Miyerkoles, ika-6 ng Agosto, pansamantalang isinasagawa ang bargain sa Orani Evacuation Center mula ika-6 ng umaga hanggang ika-1 ng hapon tuwing Miyerkules. Layunin ng hakbang na ito na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa gitna ng patuloy na kalakalan sa pamilihan.
Tiniyak naman ni Orani Mayor Jon Arizapa na ligtas at maayos ang bagong puwesto para sa mga vendors at mamimili. Kasabay nito ang panawagan ng lokal na pamahalaan sa publiko na makiisa para sa maayos na daloy ng trapiko at kaunlaran ng bayan.
The post Bargain market, inilipat para iwas-trapiko appeared first on 1Bataan.