Sa kanyang mensahe sa katatapos na inagurasyon ng NBI District Office sa bayan ng Orani, sinabi ni Gob. Abet Garcia na napakahalaga umano ng bubuksang NBI District na magbibigay ng pinakamahusay na serbisyo patungkol sa kapayapaan at kaayusan.
Ito umano ang magiging sandigan ng katahimikan dahil dito masusukat ang kontribusyon ng NBI sa ating buhay, na kung walang kapayapaan at kaayusan, walang kaunlaran, kung walang kaunlaran, walang trabaho at kung walang trabaho, gutom ang mga tao at siguradong kriminalidad ang mamamayani sa ating bayan.
Natutuwa umano siya na dati ay walang taggapan ng NBI sa ating lalawigan subali’t ngayon ay tatlo na, isa sa Mariveles, isa sa Balanga City at ngayon ay sa bayan ng Orani.
Binigyang diin ni Gob. Abet na, ang probinsya ng Bataan ay isang magandang halimbawa ng kapartner para sa pag-abot ng iisang vision na magkaroon ng masaganang buhay ang lahat ng tao, at ang partnership na ito ay magandang patotoo para gayahin ng ibang lalawigan o lungsod at ang pinakamagandang papel na ating maaaring gampanan para sa ating bansa sa pagdiriwang ng ika-80 taong anibersaryo ng Araw ng Kagitingan ay sama-sama tayong manindigan na ibigay ang sukdulang serbisyo para maramdaman ng ating mga kababayan.
The post Bataan, maaaring gayahin ng ibang lalawigan appeared first on 1Bataan.