Muli na namang pinatunayan ng Brgy. Alion, Mariveles ang kahusayan ng mga opisyal nito sa pangunguna ni Punong Barangay Al Balan sa pagpapatupad ng mga programa sa Kalusugan nang masungkit nito ang unang pwesto sa “Crush Dengue para hindi maglanding on you” online competition na inilunsad ng Mariveles Wellness and General Hospital (MWWGH) nitong nakaraang linggo.
Ayon kay PB Balan, ang Alion ay laging kaisa ng mga ahensya ng Pamahalaan lalo na’t ito ay para sa kapakinabangan ng mga mamamayan, lalo na ang kontra dengue. Isa sa ginagawa nila ay ang regular na paglilinis sa boung barangay hindi lamang tuwing may pa-contest kundi nais nilang laging malinis, maayos at magandang tingnan ang kanilang barangay.
Pinasalamatan naman ni Dr. Ma. Lourdes Evangelista, Medical Center Chief ll ng MWWGH, ang mga nakilahok na barangay kung saan pumangalawa ang San Carlos at pumangatlo naman ang Maligaya. Hinikayat niya na patuloy nilang sugpuin ang mga lamok at labanan ang dengue.
Nagpasalamat naman si PB Balan sa lahat nang sumuporta sa kanila para sa tagumpay lalo na ang kooperasyon ng MNHS Alion Annex Principal Wilbert Langreo at G. Gerald Umang Marco gayundin ang mga mag-aaral na tumulong sa kanila sa pagbuo ng video.
The post Bgy. Alion, first place sa “crush dengue” appeared first on 1Bataan.