Sa panayam ng mga mamamahayag, masayang ibinalita ni Cong. Abet Garcia na ang ginanap na Blockchain Summit 2022 ay isa umanong paraan upang tayo ay lalo pang matuto.
Kung kaya’t balak niya umanong amyendahang muli ang FAB law na kanyang akda noong siya ay unang manungkulan bilang kongresista. Matatandaang ang nasabing batas ay inamyendahan na ni noon ay Cong. Joet Garcia na ngayon ay Gobernador , kung saan ay pinalawak ang nasasakupan ng FAB.
Nais umano niyang amyendahang muli ang FAB Law upang idagdag ang mga bagong teknolohiya tulad ng Blockchain, na magbibigay sa atin ng competitive advantage, upang makinabang ang mga mamamayan.
Sinabi pa ni Cong Abet na isa sa mahalagang rason kung bakit sa ating lalawigan idinaos ang Blockchain Summit 2022 ay, bukod sa tanggap natin ang mga bagong teknolohiya ay dahil sa FAB Law o RA 11453 kung saan ay nakasaad na pwedeng maghost, regulate, at facilitate at bigyan ng generous fiscal and non-fiscal incentives ang mga bagong teknolohiya na malaki ang maitutulong upang maging mas madali ang pang araw-araw na buhay ng mga mamamayan tulad ng good governance, ease of doing business, transparency, protection of data at marami pang iba.
The post Blockchain Summit 2022 sa Bataan appeared first on 1Bataan.