Bunsod ng layunin na mapanatili at mapabuti ang sitwasyon ng mga corals sa karagatang sakop ng Mariveles, na siyang nagbibigay ng balanseng eco-system, pinagpaplanuhan ng San Miguel Corp at Pamahalaang Bayan ng Mariveles ang Blue Corals Project.
Isang pagpupulong para dito ang ginanap nitong ika-12 ng Enero na pinangunahan ni Mayor AJ Concepcion kasama sina Mun. Environmental and Natural Resource Officer, Gladys Gomez at Reshell Concepcion, mga kinatawan mula sa San Miguel Corporation na sina, Nielsen Ocampo, Atty Cynthia Pantoñal at Marirose dela Rosa upang talakayin ang nasabing proyekto na hinati sa dalawang seksyon, ang Corals Rehabilitation at ang Marine Turtle Hatchety na pinag aaralan nilang itayo sa dating Lusong Beach na ayon sa MENRO ay maraming pawikan ang bumibisita doon para mangitlog.
Sinabi naman ni Mayor AJ Concepcion na napakaganda ng pasok ng taong 2024 sa kanilang bayan lalo na sa proyektong ito, dahil hindi lamang nito mapepreserve ang tirahan at pagkain ng iba’t ibang uri ng isda gayundin mapalalago ang populasyon ng mga nangingitlog na pawikan na sa darating na panahon ay magiging isang tourist attraction sa kanilang bayan.The post Blue Corals Project ng San Miguel Corp. at Pamahalaang Bayan ng Mariveles appeared first on 1Bataan.